Jump to content


Alpha Phi Beta Vs. Sigma Rho


  • Please log in to reply
19 replies to this topic

#1 Guest_admeen_*

Guest_admeen_*
  • Guests

Posted 04 October 2008 - 02:12 AM

bakit parating nag rurumble ang dalawang Law Frats na ito? ano ang dahilan ng kanilang hidwaan?

#2 Guest_admeen_*

Guest_admeen_*
  • Guests

Posted 07 October 2008 - 12:33 AM

Admin's Note: Found this online


Pagbabalik

Wala nang silbi ang mga fraternity sa UP.

Marahil ay ganito na ang kuru-kuro ng karamihan sa atin. Masasabing hindi patas, kundi man mali, ang ganitong pagtingin. Subalit kapag sinuring mabuti, may katwiran ang ganitong argumento.

Ang halos isang siglong pag-iral ng mga fraternity sa Pamantasan ay nalambungan ng dugo ng di-iilang buhay na kinitil ng marahas na kulturang umiiral sa mga grupong ito na kung tawagin pa mandin ay “kapatiran”.

Tunay na nakapanghihinayang ang pagbabago ng kanilang dati’y maningning na kasaysayan. Nang likhain ang mga ganitong uri ng samahan, bagamat mula sa modelong Kanluranin, dakila at kahanga-hanga ang kanilang mga adhikain–pinakamataas na antas ng kagalingan sa akademya, pagsusulong ng panlipunang pananagutan at paglilingkod sa sambayanan, pagsasanay ng de-kalidad na mga ginoong magiging pinuno at huwarang mga mamamayan. Sa kasagsagan ng panahon ng aktibismo, maraming mga fraternity ang naging bahagi ng mapagpalayang kilusan.

Sa kabila ng pag-iral ng UP upang tumugon sa pangangailangang pamburukrasya ng pamahalaang mapanakop, sumibol sa Pamantasan ang mga mapagpalayang kaisipang naglayong ipagtanggol ang tunay na interes ng sambayanan at labanan ang imperyalismo at ang diktadurang Marcos.

May panahong nagtaglay ng mga mapagpalayang kaisipang ito mga fraternity. Aktibo silang nakilahok pagkilos upang makamit ang tunay na kalayaan at demokrasya. Dito magugunita ang ilan sa mga dakilang pangalan kagaya ng Renato Constantino at Ditto Sarmiento ng Alpha Phi Beta at Ninoy Aquino at Melito Glor ng Upsilon Sigma Phi.

Subalit sa kalaunan, karamihan sa mga fraternity ay tila lumingon sa mga dalumat na ipinamana sa kanila ng mga Kanluraning modelo. Sa gayon, patuloy na nanahan sa kanila ang pyudal at patryarkal na katangiang siya ring nilalabanan ng mga nagtaguyod ng aktibismo. Kaakibat na rin ang machismo at lihis na tingin sa pagkakapatiran, pagiging lalaki at pagkalalaki na nagsilang naman ng barbarikong kultura ng karahasan– karahasang pumatay kina Gonzalo Mariano Albert, Ferdinand Tabtab, Roland Perez, Arbel Liwag, Joselito Hernandez, Rolando Abad, Dennis Venturina, Mark Roland Martin, Alex Icasiano, Niño Calinao, at ngayon nga, Den Daniel Reyes.

Dahil sa mga fraternity, pumanaw ang mga iskolar ng bayan may mga pangarap para sa sarili at sa bayan. Karamihan sa kanila ay mga biktima ng hazing–naniwalang magiging tuntungan ang pagsali sa fraternity upang makamit ang mga pangarap na iyon, ngunit ni hindi na naranasan ang mga prebilihyong dulot ng pagiging fratman.

Ang iba naman ay tuluyang nilamon ng marahas na kultura kung kaya isinakripisyo ang mga buhay dahil sa walang kwentang rambol.

Samantala, si Niño, na hindi kasapi ng anumang fraternity, habang buong laya niyang pinaplano ang bukas na maaliwalas, ay nadamay nang walang kamalaymalay.

Ang pagkasayang ng buhay ng mga iskolar ng bayan dahil sa balikot at marahas na tradisyong sinusunod ng mga fraternity ay unti-unti nang nagpapaguho sa mga mabubuting kontribusyon nila sa Pamantasan at sa lipunan.

Sapagkat ngayon, sukdulan ang kanilang paghamak sa kapayapaan.

Hindi nga maaaring sisihin ang marami sa atin kung kanilang isiping wala nang silbi ang mga fraternity sa UP.

Maibababalik lamang ang kahalagahan ng mga fraternity kung kanilang babalikan at isasabuhay ang mga orihinal nilang layunin, kung muli nilang pahahalagahan ang mga simulain nina Ditto Sarmiento at iba pang mga kapatid at kasamang nabuwal sa gitna ng pakikibaka.

Sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon ng lipunang Pilipino sa ilalim ng isang mabuway na liderato, mas maraming makabuluhang isyu na maaaring pagkaabalahan ng mga fraternity. Higit na mahalaga ang mga usaping ito kaysa sa mga personal na awayan, payabangan, gantihan at mga alitang magkaminsa’y nauuwi sa kamatayan.

Mas kapakipakinabang ang katiyakan na mahusay at may nalalaman sa mga usaping panlipunan ang isang neophyte kaysa sa malamang kaya niyang tiisin ang sanlaksang suntok, palo, tadyak at pagkaalipin sa ngalan ng kapatiran.

Panahon na upang iwaksi ang karahasan.

Kung magaganap ito, tsaka pa lamang mahuhugas ang dugong kumukulapol sa nagdadaupang mga palad ng magka-brods sa harap ng kabaong ni Daniel.

Kung magaganap ito, mawawala ang insultong sumasampal sa puntod ni Niño sa bawat sulyap ng mga dumadalaw na fratman–may kinalaman man o wala sa kanyang kamatayan.

Saka pa lamang mababawi ang dagok sa alaala ni Niño nang habang ang kanyang mga kaibigang nagtitipon bilang paggunita sa kanya, ang mga barbarikong kasapi ng dalawang fraternity naman–kabilang ang isang grupong kinabibilangan ng pinaghihinalaang may kinalaman sa pagpaslang sa kanya–ay nagpapatayan dahil lamang sa nagalusang ego.

Panahon nang talikuran ang walang katuwirang pananahimik at bulag na pagkampi sa nagkasalang ka-brod. Sa gitna ng laganap na kroniyismo at barkadahan sa rehimeng Estrada, kalabisan nang palawakin at panatilihin pa ang ganitong sistemang padrino. Huwag na sanang dagdagan pa ang ngitngit na hatid ng patuloy na pananatili sa Malacañang at pagprotekta ng kanilang ka-brod sa mga diumano’y pumatay kay Lenny Villa, isang biktima ng hazing mula sa Ateneo na di pa rin nagkakamit ng katarungan.

Panahon nang tugunan ang tawag ng mga mag-aaral at sambabayan.

Sa gitna ng garapalang pagpapabaya sa edukasyon, may mas mahalagang laban ang mga fraternity. Sa pagtuloy na pagkakalublob ng bayan sa kahirapan, may mas mabigat na responsibilidad ang mga fratmang iskolar ng bayan.

Hindi hinihiling na ang mga fraternity ay pasakop sa iisang uri ng pakikibaka upang muling makapaglingkod sa bayan. Napakaraming paraan upang isabuhay ang pagiging tunay na lingkod ng taumbayan. Ngunit ang walang saysay na karahasan, ang pagpatay na ni hindi bunsod ng makatarungang ideolohiya ay hindi kabilang sa mga paraang ito.

Ang tanging pakiusap ay kanilang ibalik ang dati nilang gilas, muling balikan at isabuhay ang maningning nilang kasaysayan, at talikuran ang mga mapanganib na kaisipang ngayo’y lumulukob sa kanila.

Mas kagyat at makatarungan ang kahilingan at pangangailangan ng kapwa mag-aaral at ng sambayanan. Sila ang dapat na pag-alayan ng lakas ng mga kasapi sa mga fraternity.

Hangga’t hindi ito naisasagawa, mananatiling walang silbi ang mga fraternity sa Pamantasan ng Pilipinas.

Hangga’t hindi ito nagaganap, patuloy magiging matinik ang ating pagtahak sa landas ng katarungan para sa mga katulad ni Niño Calinao.

======

Unang nalathala sa Philippine Post, ang sanaysay na ito’y sinimulang sulatin ng may-akda habang siya ay nasa burol ng kaibigang si Niño Calinao, na pinaslang sa UP campus noong Pebrero 19, 1999. Inayos niya ito at ipinasa sa Post matapos mapatay si Den Reyes, kasapi ng Alpha Phi Beta, habang nakikipag-rambol sa mga taga-Sigma Rho, kasama ang kanyang mga brods. Ironically, namatay si Reyes habang isinasagawa sa Bahay ng Alumni ang isang concert bilang pag-alaala sa unang anibersaryo ng pagkakapatay kay Niño.

First published in Philippine Post on September 1, 2001

#3 Sigma Rho Batch 92

Sigma Rho Batch 92

    Fratman

  • Members
  • PipPipPip
  • 46 posts
  • Gender:Male
  • Location:Cebu

Posted 24 April 2009 - 06:49 PM

Proximity makes conflict more possible, although in 1992, I had many friends sa APB. 1987 kasi ang last rumble namin so I thought di na kami magkakaulitan. Naku, Dec '94 pala ang next chapter.

Was in the clash sa Philcoa. Saw my classmate on the other side. Hahaha
Given the right circumstances, from no more than dreams, determination and the liberty to try, quite ordinary people consistently do extraordinary things” Dee Hock

#4 annonymous

annonymous

    Fratman

  • Members
  • PipPipPip
  • 32 posts

Posted 25 April 2009 - 07:56 PM

View PostSigma Rho Batch 92, on Apr 24 2009, 06:49 PM, said:

Proximity makes conflict more possible, although in 1992, I had many friends sa APB. 1987 kasi ang last rumble namin so I thought di na kami magkakaulitan. Naku, Dec '94 pala ang next chapter.

Was in the clash sa Philcoa. Saw my classmate on the other side. Hahaha
ang panget dba pg may friend ka sa rival frat nyo. haay naku. ang gulo. hehe.

#5 Sigma Rho Batch 92

Sigma Rho Batch 92

    Fratman

  • Members
  • PipPipPip
  • 46 posts
  • Gender:Male
  • Location:Cebu

Posted 26 April 2009 - 05:59 PM

View Postannonymous, on Apr 25 2009, 07:56 PM, said:

ang panget dba pg may friend ka sa rival frat nyo. haay naku. ang gulo. hehe.

Summer '94 - kasama ako sa isang hit team namin na naglilibot sa UP. Naku, ang dalawang APB pa na nakita namin, pero kong kaibigan. Nanghabol-effect lang ako, pero wala akong pinalo. Kung hindi pa ako nagmura pagkababab ng kotse, baka napuruhan namin ang dalawa.  :rolleyes:
Given the right circumstances, from no more than dreams, determination and the liberty to try, quite ordinary people consistently do extraordinary things” Dee Hock

#6 annonymous

annonymous

    Fratman

  • Members
  • PipPipPip
  • 32 posts

Posted 27 April 2009 - 11:50 AM

View PostSigma Rho Batch 92, on Apr 26 2009, 05:59 PM, said:

Summer '94 - kasama ako sa isang hit team namin na naglilibot sa UP. Naku, ang dalawang APB pa na nakita namin, pero kong kaibigan. Nanghabol-effect lang ako, pero wala akong pinalo. Kung hindi pa ako nagmura pagkababab ng kotse, baka napuruhan namin ang dalawa.  :rolleyes:
a very noble act for me, bro.

#7 Sigma Rho Batch 92

Sigma Rho Batch 92

    Fratman

  • Members
  • PipPipPip
  • 46 posts
  • Gender:Male
  • Location:Cebu

Posted 27 April 2009 - 03:42 PM

View Postannonymous, on Apr 27 2009, 11:50 AM, said:

a very noble act for me, bro.

Thanks. It wasn't the first.

In Feb or Mar 1993, we had a rumble with Upsilon. I was in my class in Public Ad and in the nearby rooms, I had about 5-6 other brods in their classes. Tapos, biglang pumasok ang kaklase kong Upsilon. I approached him and told him na bagong Rhosig ako, and told him na most likely, napansin na pumasok sya. So, I told him na I will ask him to run while I count to five, and then, I will stand sa hallway and call my brods. We talked to our prof. and ganun na nga. When my brods came out, inunahan ko sila sa stairs and I "stumbled," effectively slowing down pursuit so nakatakbo ang kaklase ko.

Nung hapon, nag-truce din kami.

THE NEXT DAY, I arrived late sa UP, noticed na walang brods sa tambayan, pero mukhang relaxed naman ang mga Upsilon. I went to the sunken garden to smoke and read, walking na walang pakialam at may suot pang frat shirt. Bigla akong tinabihan ng kotse. Bunot naman ako ng cutter (wala akong ibang dala), and when I looked, it was my Upsilonian classmate and a batchmate of his. "gwapo ka ba? Para kang naglalakad na bullseye!" he said. "Bakit, rumble tayo?" I asked. "Hindi. Kayo ng tabets (Beta Sigma) kagabi. Bilis, sakay na! Saan kita ihahatid?" he replied. I got in, and it was a really weird feeling, particularly when we passed the Upsilon tambayan. His brods were all looking at me, surprised that an "Ipis" (that's what they call us) was inside a "Pepsi" (that's what we call them) car.

That's when I learned that it pays to "pass" your classmates.  :rolleyes:
Given the right circumstances, from no more than dreams, determination and the liberty to try, quite ordinary people consistently do extraordinary things” Dee Hock

#8 Guest_admeen_*

Guest_admeen_*
  • Guests

Posted 27 April 2009 - 05:34 PM

OT: buhay pa ba tabets sa diliman?

#9 peacetayo

peacetayo

    Fratman

  • Members
  • PipPipPip
  • 59 posts

Posted 28 April 2009 - 08:10 AM

View Postannonymous, on Apr 25 2009, 07:56 PM, said:

ang panget dba pg may friend ka sa rival frat nyo. haay naku. ang gulo. hehe.

Makasabat lang mga amigo, May friend ka man o wala, may rival man o wala, napakapanget ng gulo.
Pride at ego lang ang nagpapaliyab ng gulo kasi.  kaya dapat alisin at kontrolin yun.
Both sides, all sides ayaw talaga ng gulo.  alam mo yan pare ko.

#10 peacetayo

peacetayo

    Fratman

  • Members
  • PipPipPip
  • 59 posts

Posted 28 April 2009 - 09:23 AM

View PostSigma Rho Batch 92, on Apr 27 2009, 03:42 PM, said:

I went to the sunken garden to smoke and read, walking na walang pakialam at may suot pang frat shirt. Bigla akong tinabihan ng kotse. Bunot naman ako ng cutter (wala akong ibang dala), and when I looked, it was my Upsilonian classmate and a batchmate of his. "gwapo ka ba? Para kang naglalakad na bullseye!" he said. "Bakit, rumble tayo?" I asked. "Hindi. Kayo ng tabets (Beta Sigma) kagabi. Bilis, sakay na! Saan kita ihahatid?" he replied. I got in, and it was a really weird feeling, particularly when we passed the Upsilon tambayan. His brods were all looking at me, surprised that an "Ipis" (that's what they call us) was inside a "Pepsi" (that's what we call them) car.

Lapit pa naman "hillside" tambayan ng mga tabets dun sa sunken. Nasa tapat lang sa kanto.

Kung kayong mga myembro kaya gawin yun, palagay ko mas lalo na mga presidente niyo.
Sana kayong alumni ay makagawa ng paraan para wala ng away-away.
UP pa naman tapos maraming campus violence.  Di maganda.

#11 Sigma Rho Batch 92

Sigma Rho Batch 92

    Fratman

  • Members
  • PipPipPip
  • 46 posts
  • Gender:Male
  • Location:Cebu

Posted 28 April 2009 - 02:05 PM

View PostAdmin, on Apr 27 2009, 05:34 PM, said:

OT: buhay pa ba tabets sa diliman?

Mas konti na sila sa time ko ('92 onwards) pero kung magkwento ang older bords, nung late 80's to around 1990-91, sila daw ang pinakagusto naming kalaban. Nakikipagsabayan kasi at hindi takbuhin.
Given the right circumstances, from no more than dreams, determination and the liberty to try, quite ordinary people consistently do extraordinary things” Dee Hock

#12 annonymous

annonymous

    Fratman

  • Members
  • PipPipPip
  • 32 posts

Posted 28 April 2009 - 02:45 PM

View PostSigma Rho Batch 92, on Apr 28 2009, 02:05 PM, said:

Mas konti na sila sa time ko ('92 onwards) pero kung magkwento ang older bords, nung late 80's to around 1990-91, sila daw ang pinakagusto naming kalaban. Nakikipagsabayan kasi at hindi takbuhin.
kaso mga tabets sobrang tahimik. kya cguro nasasabi nating kokonti nlng cla. discreet. hehe

#13 annonymous

annonymous

    Fratman

  • Members
  • PipPipPip
  • 32 posts

Posted 28 April 2009 - 02:48 PM

View Postpeacetayo, on Apr 28 2009, 08:10 AM, said:

Makasabat lang mga amigo, May friend ka man o wala, may rival man o wala, napakapanget ng gulo.
Pride at ego lang ang nagpapaliyab ng gulo kasi.  kaya dapat alisin at kontrolin yun.
Both sides, all sides ayaw talaga ng gulo.  alam mo yan pare ko.
may punto ka naman parekoy. im not into violence naman. pero ika nga nla, the by-product of war is peace daw.

#14 Guest_admeen_*

Guest_admeen_*
  • Guests

Posted 31 May 2012 - 02:29 PM

Footnotes on Sigma Rho Vs. Alpha Phi Beta
http://www.pinoyfrat...?showtopic=5917

#15 renegade

renegade

    Grand Master

  • Members
  • 102 posts
  • Gender:Not Telling

Posted 24 November 2016 - 10:43 PM

Source: https://www.facebook...399734210417609

Joint Statement of the UP Law Bar Operations Commission and the LSG Central Board Re: the Fraternity-Related Incident of 20 November 2016

On the early morning of 20 November 2016, a physical altercation between resident members of Sigma Rho Fraternity and alumni of Alpha Phi Beta Fraternity, took place at the hotel where the UP Law Bar Operations Commission (Commission) conducts its centralized bar operations for the UP College of Law bar examination candidates. Specifically, this altercation happened in the vicinity of the hotel rooms where committees of the Commission and partner-organizations were stationed.

This was immediately followed by another confrontation near the hotel entrance, just outside the main lobby. Another incident in the afternoon took place near the premises of UST, reportedly involving the same fraternities...

(Kakatamad na itype yung full statement.)

#16 Admin

Admin

    Poging Administrator

  • Root Admin
  • 7,181 posts
  • Gender:Male
  • Location:Manila

Posted 27 November 2016 - 02:46 AM

wag ka na tamarin paminsan minsan na ngalang may rumble these days sa UP. hehe

#17 renegade

renegade

    Grand Master

  • Members
  • 102 posts
  • Gender:Not Telling

Posted 09 October 2017 - 04:00 PM

APB vs. Rhosig nanaman ngayon. Nagsimula yung rumble last week.

#18 renegade

renegade

    Grand Master

  • Members
  • 102 posts
  • Gender:Not Telling

Posted 10 October 2017 - 10:57 AM

Minutes of the special meeting of the UP Law Student Government (LSG) on October 7, 2017 regarding the alleged incident/s between Sigma Rho Fraternity (SR) and the Alpha Phi Beta Fraternity (APB): https://www.facebook...456842404353655

Some points:
During the Inter-C Party about a week ago, an SR member allegedly bumped into the head of the APB.
There was news of an altercation between SR and APB at around 11:20 PM on October 5, 2017 in the Ministop store in Katipunan Avenue.
According to the LSG President, on October 6, 2017, some SR members changed their profile pictures to pictures of animals, while some APB members changed their profile pictures to pop culture references, childhood photos, or photos of John Lloyd Cruz doing the 'Ingat' sign from the Biogesic advertisements. LSG Second Year Batch Representative Gershon Cario, an SR member, said that there were no orders to change profile pictures. "He said that the wisdom of the profile photo change was not provocation, but safety. Due to the hostilities, it's practical for their safety. It's a practice, he claimed, but not a deliberate effort."
The LSG President "replied that the incidents of October 6 were under scrutiny. She said that there were rumors of physical altercations, some reports, although again unconfirmed, of damage to property and other incidental stuff."
The representative of the evening law students "said that the Central Board should also consider the fact that it's already October and the Bar month is fast approaching. She said that the Central Board has to do something so that the incidents of last year will not happen again especially since the issue between the two fraternities might extend to November."

#19 renegade

renegade

    Grand Master

  • Members
  • 102 posts
  • Gender:Not Telling

Posted 11 October 2017 - 10:26 AM

6-1 ang score in favor of APB, ayon sa hearsay sa The Malcolm Hall Files Facebook page.

#20 renegade

renegade

    Grand Master

  • Members
  • 102 posts
  • Gender:Not Telling

Posted 13 October 2017 - 01:52 PM

Truce na daw ayon sa UP University Student Council:
https://www.facebook...516881518372217

Kahit na allegedly 6-1 pa din yung score (some say 7-0).




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users